Halloween party ideas 2015
Showing posts with label AbanteTonite. Show all posts

Dibdiban ang training ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa Serbia bilang paghahanda sa paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament ng 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong sa Hulyo 2021.

“The training camp in Serbia is working well,” post ng 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist sa Facebook matapos lumisan sa Japan.

Dinagdag pa ng karatista, “I look forward to seeing myself stronger a month later. Thank you so much for helping me a lot♥I’m happy to my body has so much muscle pain😂.”

Makikita sa ipinost na video ng dalaga na batak siya sa pag-eensayo at pagwo-workout sa Karate Klub Knjaz Arandjelovac.

Nag-bronze medal sa female kumite -50kg event sa isang Olympic qualifier (Karate 1 Series A) sa Chile noong Enero. Hangad ni Tsukii na katawanin ang bansa sa Tokyo Olympics. (Janiel Abby Toralba)

The post Tsukii todo ensayo sa Serbia first appeared on Abante Tonite.



PATAY ang isang barangay chairman habang tinamaan ng stray bullet ang isang bata nang tambangan ng riding in tandem sa Dasmarinas City, Cavite.

Dead on arrival sa UMC Hospital ang biktimang si Dominador Narido, 56, kapitan at taga-Dasmarinas City Cavite sanhi ng tama ng bala sa katawan. Tinamaan naman ng stray bullet sa hita si Diana, 6, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni PMSgt Elmo Cabooy, ng Dasmarinas City Police Station, ika-10:30 kahapon nang maganap ang pamamaril sa harapan ng palengke.

Minamaneho ng tserman ang kotse nitong may plakang NDK 7822 nang lapitan isa sa mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nasa loob umano ng kanilang bahay si Diana nang tamaan ng ligaw na bala.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Gene Adsuara)

The post Tserman tinambangan, bata sapul ng ligaw na bala first appeared on Abante Tonite.



Walang anumang saplot sa katawan at malamig na bangkay na nang matagpuan ang katawan ng isang 22-anyos na dalaga sa tabing-ilog sa Macalelon, Quezon, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Arlene Basco, taga-Sitio Riverside-B, Barangay Candangal.

Sa report ng pulisya, ang bangkay ng dalaga ay natuklasan ng isang binata. Ito na rin ang nag-report sa mga awtoridad.

Sa ngayon ay sinusuri pa ang labi ng biktima para mabatid kung ginahasa ba ito bago pinatay.

Wala namang nakitang sugat o pinsala sa katawan ng biktima. (Ronilo Dagos)

The post Hubot hubad na bangkay ng dalaga bumulaga first appeared on Abante Tonite.



Hindi inaalis ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang posibilidad na panagutin niya ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa panibagong riot na naganap sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kung saan tatlo ang nasawi at 64 ang sugatan, Lunes ng umaga.

“The BuCor (Bureau of Corrections) Security Force, PNP SAF (Philippine National Police Special Action Force), and PNP NCRPO SWAT (National Capital Region Police Office Special Weapons and Tactics) are conducting clearing operations. The DOJ has ordered the BuCor to submit a detailed report,” ayon kay Guevarra.

Sinabi rin ni Guevarra na aatasan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation o palalimin pa ang pagsisiyasat sa naganap na riot.

“These BuCor officials should have learned their lesson from the previous violent incident where several PDLs were killed,” ani Guevarra nang tanungin kung nagkaroon ng kapabayaan sa mga BuCor official kasama na si Director General Gerald Bantag.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Bantag, iba pang Bilibid exec mananagot sa riot first appeared on Abante Tonite.



Patay ang isang 76-anyos na ginang sa isang tama ng bala sa ulo mula sa pamamaril ng 80-anyos nitong mister nang mapagkamalan itong magnanakaw Biyernes ng gabi sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Sadyang hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek at biktima na kapwa taga-Barangay Orong.

Sa ulat ng Kabankalan City Police Station, alas-11:00 ng gabi, nasa kasarapan ng tulog ang mister nang mabulabog ito sa mga kahol ng aso. Kinapa niya ang kanyang misis subalit wala ito sa tabi kaya agad siyang bumangon.

Nakarinig ang mister ng mga kaluskos at dahil sa madilim ang kapaligiran ay hindi niya naaninag ang kabiyak na inakala niyang pinasok sila ng magnanakaw kaya pinutukan niya ito.

Nang buksan ang ilaw ay nagulat ito nang mabungarang duguan ang napuruhan niyang misis. (Edwin Balasa)

The post Akala Akyat-Bahay, misis dedo sa mister first appeared on Abante Tonite.



Handa naman ang kalihim na patawarin ang mga minor na nangnenok ng iphone nito. Kasabay nito ay pagkakalooban niya ito ng trabaho upang mabago ang takbo ng kanilang buhay.

Ang pagkakaaresto sa mga bagets, ayon kay Bello ay sapat nang leksyon sa mga ito. Lalo lamang aniyang masisira ang buhay ng mga kabataan kung itutuloy ang kaso.

Kaugnay nito’y nais niyang makulong ang bumili ng cellphone.

Ang cellphone ni Bello ay hinablot sa bisinidad ng Manila City hall at Mehan Garden noong Biyernes habang binubuksan nito ang salamin ng kanyang sasakyan. (Juliet de Loza-Cudia/Mina Navarro)

The post Humablot na bagets bibigyan ng trabaho first appeared on Abante Tonite.



Ibinunyag sa Kamara ang talamak umanong bentahan ng ipinagbabawal na sangkap o banned substance sa online shopping platform na Lazada, partikular ang `cannabis-laced candies’.

Isiniwalat ito ni Valenzuela City Rep. Weslie Gatchalian, chairperson ng House committee on trade and industry, sa isinagwa nitong pagdinig kaugnay sa mga napapaulat na panloloko o mga scam sa online transaction gayundin ang sinasabing bentahan ng iligal na droga gamit ang social media.

Ipinakita ni Gatchalian ang screenshot ng `cannabis-laced candies’ na naka-advertise sa Lazada. Kabilang dito ang LOL Edibles, isang kendi na may sangkap ng medical cannabis na mabibili umano sa halagang P1,637 per pack.

May isa pang kendi, Medicated Nerds Rope, na mayroon umanong 600 milligram ng tetrahydrocannabinol (THC) na makikita sa cannabis ay mabibili rin sa Lazada.

May pinakita rin si na Gatchalian na screenshot ng 30ml hemp oil a mabibili rin umano sa Lazada sa halagang P289.92.

Kapansin pansin umano sa package ang presensiya mga dahoon ng marijuana sa background, isang indikasyon na maaari ito´y may sangkap na cannabis oil.

Aminado naman si Justine Campaña, legal head ng Lazada, na ang mga banned substance tulad ng `cannabis-laced candies’ ay maaaring nakakalusot sa pamamagitan ng online platform.

“Sa product description, hindi naman po nila nilagay mismo doon na ito ay cannabis or `yong technical name o `yong drug mismo ay marijuana. Because of that, hindi natin napi-filter `yong ganoong klaseng nakakalusot,” ayon kay Campaña.

Sinabi naman ni Lazada chief executive officer Ray Alimurung, asawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi nila sinusuri kung ang isang package ay naglalaman ng iligal na droga bago ito ipadala sa buyer.

Paliwanag nito, ang seller ang nag-pack ng item at ang Lazada naman ang siyang kukuha nito para sa delivery. Hindi umano nila puwedeng buksan ang parcel dahil hindi na ito tatanggapin ng kustomer kapag bukas.

Wala rin umanong X-ray machine ang kompanya para malaman ang posibleng banned substance na nakatago sa parcel.

Transport network ginagamit din ng sindikato – PDEA

Inihayag naman ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Aida Ferolino na sinasamantala ng mga sindikato ng droga ang paglakas ng demand sa mga online selling platform at Transport Network Vehicle Service (TNVS) ngayong pandemya.

Inamin ni Ferolino sa mga mambabatas na malaking pagsubok sa kanila at sa iba pang law enforcement agency ang mga transaksyon sa droga gamit ang mga kilalang online shopping platform katulad ng Lazada.

“They also use TNVS to transport their illegal drug activities. We have arrested two drug personalities who use a transport service to deliver their packages,” dagdag ni Ferolino. (Eralyn Prado/Issa Santiago)

The post Marijuana kendi patok sa Lazada first appeared on Abante Tonite.



Nabawi na ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section ang iphone 11 promax cellphone ni Labor Sec. Silvestro Bello III at arestado na rin ang limang suspek, na magkakasabwat sa pag-snatch hanggang sa pagbenta sa cellphone ng kalihim sa follow-up operation kamakalawa sa Malabon at Quiapo, Maynila.

Unang naaresto ang dalawang menor de edad na di na pinangalanan kung saan ikinanta ang tatlo pa nilang kasamahan.

Ayon kay MPD-TRS chief PMajor Joselito de Ocampo, nabitbit din ng kanyang mga tauhan ang 15-anyos pang suspek; Marl Louise Calveeo at Mariken Herbano Radores, 29, saleslady, taga-Malabon.

Nalaman na si Radores umano ang nagbenta ng cellphone sa isang @Ivan na kalaunan ay nakilalang si Omar Marohom Sidic, 28, negosyante.

The post iPhone ni Bello nabawi, 5 isnatser kinorner first appeared on Abante Tonite.



Swak sa kulungan ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) matapos tumanggap ng suhol na tatlong kilo ng ‘fresh chicken drumsticks’ mula sa motorcycle riders na pinayagang makalampas sa ‘quarantine control point’ kahit walang dokumento, Lunes ng umaga.

Si PLt. Rodrigo San Pedro Olaso, 43, nakatalaga sa District Mobile Force Batallion (DMF ng QCPD, at taga-Balatung-B, Pulilan, Bulacan, ay inaresto ng kaniyang mga nagreklamong tauhan na sina PMSG Roberto G. Telan JR, PCPL Alexis L. Licyayo, PCPL John Paul Rebustes at PCPL Jericho Bautista, QCPD-DMFB.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit, ang insidente ay naganap alas-8:15 ng umaga kahapon sa Batasan-San. Mateo Road, Barangay Batasan, QC.

Sa imbestigasyon ni PSMS Marvin Masangkay, nagsasagawa ng Quarantine Control Point ang QCPD-DMFB sa pamumuno ni PLt. Olaso nang harangin ng mga tauhan nito ang grupo ng motorcycle riders at hinanapan ng mga dokumento gaya ng deed of sale ng kanilang mga sasakyan.

Bagamat walang naipakita ang grupo ay pinayagan umano ang mga itong dumaan sa QCP ni Olaso pero makalipas lamang ang ilang minuto, dalawa sa riders ang bumalik at may dalang plastic bag na naglalaman ng tatlong kilo ng chicken drumstick at sinabing para ito sa mga nakabantay na pulis.

Pero tumanggi ang mga nagreklamong sina PMSg. Telan JR, Police Corporals Licyayo, Rebustes at Bautista, at inutusan ang riders na ibigay ito sa humiling na si PLt. Olaso na tinanggap naman ng tinyente.

Agad namang inireport ng mga operatiba ng DMFB-QCPD ang pagtanggap ng suhol ni PLt. Olaso kaya inaresto ng mismong tauhan nito.

Inihahanda na ang kasong ‘indirect bribery’ laban sa nasabing opisyal ng QCPD. (Dolly B. Cabreza)

The post Tinyente kulong sa 3 kilong `drumstick’ first appeared on Abante Tonite.



Gandang –ganda ang Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz sa bagong Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

“Maganda. Kamukha ni Belle (Isabelle Daza).Super ganda. She deserves to win,” deklara niya nang makatsikahan namin si Gloria sa virtual presscon ng

Oh, My Dad . Palabas ito tuwing 5-6PM sa TV5.

Tinanong din namin ang reaksyon ni Rabina sa sinabi ni Gloria.

“Natutuwa ako kasi it’s different ‘pag galing kay Gloria Diaz having you know, really high standard when it comes to beauty pageant, being the first ever Miss Universe coming from the Philippines and it’s a good source of inspiration and as of this moment, I need people who believe in me. And it’s such an honor that Miss Gloria Diaz is one of those people who supports me in this journey,” deklara niya nang tanungin namin siya sa Frontrow Exclusively Meets Rabiya.

Anyway, kasama ni Gloria sa Oh, My Dad sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel Adrian Lindayag at Ariel Ureta.

Ito ay prodyus ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa Team Brightlight Productions nina Albee Beniez, Pat P. Daza at Corinna Vistan.

Pak!

The post Gloria pabor kay Rabiya first appeared on Abante Tonite.



Nangako si Yuka Saso na babawi sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020 11th leg, ang ¥160M 48th Toto Japan Classic 2020 sa November 6-8 sa Taiheiyo Club Minori Course sa Omitama City, Ibaraki Prefecture, Japan.

Ginawa ng hard-hitting 19-year-old rookie top Philippine pro kasunod nang pagkalagot ng siyam na sunod niyang pagpasok sa mga cut (finals) sa region’s premier circuit, sa 40th Hisako Higuchi Mitsubishi Electric Ladies Golf Tournament 2020 sa Musashigaoka Golf Course sa Hanno City, Saitama Prefecture, Japan nitong Sabado at pinamayagpagan Linggo ni Yuna Nishimura.

“My first goal is to pass the qualifying (cut) and I hope I can do my best from there,” sambit ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist.

Bago sumablay sa cut, nakadalawang sunod na tagumpay ang San Ildefonso, Bulacan native. May tatlo rin siyang Top 10 finish naglagay sa kanya sa money race leadership sa pinaigsing liga ng Covid-19. (Ramil Cruz)

The post Saso reresbak sa Toto golf first appeared on Abante Tonite.



Hindi na lumayo ang Houston, sa Texas din kumuha ng kapalit ni Mike D’Antoni.

Sa lumabas na ulat, si Stephen Silas na ang 14th coach sa prangkisa ng Rockets.

Nitong nagdaang dalawang seasons ay assistant si Silas ni Rick Carlisle sa Dallas Mavericks. Offensive-minded din si Silas, tulad ni D’Antoni na nakilala sa kanyang small-ball, 7-second offense.

“The strengths of our core players are a great fit for Coach Silas’ system and ideology and I’m looking forward to working with him to find ways we can continue to improve our roster,” pahayag ni Rockets general manager Rafael Stone.

Ang 2019-20 season ang 19th ni Silas bilang assistant coach sa NBA.

Abangan kung magki-click kina James Harden, Russell Westbrook & Co. ang natutunan ni Silas sa haba ng termino sa sidelines na hindi nagko-krokis sa whiteboard sa mga laro.

Dumating si Silas sa Dallas noong 2018-19, tinokahan para hasain ang opensa ng team. Nag-average ang Mavs ng 15.1 3-pointers made nitong nagdaang season, pumangalawa sa Rockets sa kasaysayan ng NBA. (Vladi Eduarte)

The post Silas bagong coach ng Rockers first appeared on Abante Tonite.



Smart Clark Giga City – Maliban sa players, masasagad din ang referees na tatakbo sa revised schedule ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Siniksik ang mga natitira pang laro mula Nov. 3 hanggang Nov. 11 para mahabol ang original target na pagtatapos ng eliminations at maging on-track pa rin sa mid-December na pagwawakas ng all-Filipino.

Mula Biyernes tinigil ang mga laro habang hinihintay ang bagong protocols ng IATF at DOH. Total 12 games – siyam sa tatlong araw na na-stop ang mga laro at unang tatlong kinansela matapos ang positive test ng isang Blackwater player (kalaunan ay nag-negative din) – ang isiniksik sa revised sched. (Vladi Eduarte)

The post Masasagad din mga reperi first appeared on Abante Tonite.



Pinayagan na ng NBA ang teams na magbukas ng facilities para sa group practices, pero limitado hanggang 10 players lang.

Puwede ring mag-workout at scrimmage, pero hindi bultuhan.

“The NBA has informed its 30 teams that they are now allowed to open practice facilities for group practices, workouts and scrimmages with up to 10 players,” tweet ni Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

May green light nang mag-ensayo, pero hindi pa nagkakasundo ang NBA at National Basketball Players Association sa simula ng 2020-21 season.

Nakakiling ang liga sa Dec. 22 start, samantalang mid-January naman ang NBPA.

Kung bago ang Christmas Day ang opening, last week ng November ang start ng training camp.

Isa pa sa ipinoporma ng liga ay kailangang tapos na ang season bago magsimula ang Tokyo Olympics sa July 23.

Magkakaroon ng 72-game regular season kung December ang start, 50 lang kapag January. Bawas ang suweldo ng players sa January opening.

“NBA players may only be offered a 50-game season, I’m told, if the union insists on a mid-January start rather than the Dec. 22 proposal, because the league’s television partners do not want the 2020-21 season to stray past mid-July … or clash with the Tokyo Olympics,” ulat ni Marc Stein ng New York Times. (Vladi Eduarte)

The post NBA binuksan ang 30 pasilidad ng mga team first appeared on Abante Tonite.



Swak sa kulungan matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials si dating Local Water Utilities Administration Chairman at ngayon ay Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay Jr.

Nahaharap si Pichay sa 6-10 na taong pagkakakulong at disqualification sa paghawak ng public office matapos mapatunayan ng anti-graft court na guilty beyond reasonable doubt sa kaso ng katiwalian.

Si Pichay ang Presidente noon ng National Chess Federation of the Philippines.

Maliban kay Pichay kahalintulad na hatol din ang ibinaba ng graft court sa kapwa akusado na sina Emmanuel Malicdem at Wilfredo Feleo.

Iniutos din ng graft court na i-reimburse ng tatlo sa Local Water Utilities Administration (LWUA) P1.5 million na illegal umanong inilabas na pondo bilang sponsorship grant at ang interes sa nasabing halaga.

Nag-ugat ang kaso noong 2010 matapos aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng P1.5 Million na pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr. Cup International Chess Championship.

Si Pichay ang acting chairman ng Board of Trustees (BOT), si Malicdem ay Senior Deputy Administrator at si Feleo ay Acting Deputy Administrator for Investment and Financial Services ng LWUA.

Isa sa mga akusado na si Daniel Landingin, na dating LWUA Administrator ay namatay na noong May 22, 2016.

Bilang depensa sinabi ni Pichay na ang sponsorship fund ay aprubado ng LWUA-BOT at iginiit nitong hindi siya nagpartisipa sa NCFP’s sponsorship request.

Gayunpaman mas binigyang bigat ng korte ang ebidensya ng prosekusyon.

“As a final note, the Court is aware that no less than the Constitution recognizes the importance of sports in our society. This recognition however, does not give public officials unbridled discretion to spend public money as they see it fit—no matter how laudable the purpose is—and more so, for personal advantage,” nakasaad sa 31 pahinang desisyon. (Tina Mendoza)

The post Pichay kalaboso sa chess scam first appeared on Abante Tonite.



Suportado ni Interior Secretary Eduardo Año ang hirit na ipako ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) status hanggang sa katapusan ng 2020 para mapabagal ang coronavirus disease infections.

“I support that particular stand of MMDA [Metropolitan Manila Development Authority] and Metro Manila mayors. Sa ngayon, kasi nasa three digits pa ang daily cases ng NCR (National Capital Region), ito pa ang sinasabing nating epicenter,” sagot ni Año sa mga reporter tungkol sa suhestiyon ng Metro Manila Council na manatili ang GCQ sa Metro Manila ngayong taon.

“Lalo na ngayon malapit na Christmas, ang tendency ng tao mag-get-together, mag-party. Nako, iyan ang pinakamahirap kung payagan natin iyan. Under GCQ, hindi pupuwede mga party-party so iyan ang unang-unang dahilan at gusto natin maitawid ang Paskong ito na kakaunti lang ang COVID cases natin,” dagdag niya. (IS)

The post GCQ sa NCR hanggang katapusan ng 2020 aprub kay Año first appeared on Abante Tonite.



Sinegundahan ni ret. Police General Edgar Aglipay ang panawagan ni Southern Luzon Command commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., sa aktres na si Liza Soberano at ilan pang celebrity na putulin na ang kaugnayan sa mga makakaliwang grupo.

“First his (Parlade) statement is a fact. Second, what he’s saying or telling in Miss Soberano is an advice. And we hope Miss Soberano will take the advice and together with the other advice and I think she is the only now to decide for herself what is good for God, country and people,” komento ni Aglipay sa pahayag ni Parleda.

Nauna nang nanawagan si Parlade noong Miyerkoles sa mga tagasuporta ng gobyerno na iwasan ang “red tagging” kay Soberano kasunod ng pagsali ng aktres sa isang youth forum ng Gabriela Women’s Party.

Pero binalaan niya si Soberano, “Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL.”

Dagdag niya: “The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”

Sa video ng Department of National Defense, sinabi ni Aglipay na may katotohanan ang naging pahayag ni Parlade at ang sinasabi lang nito kay Soberano ay isang payo.

Kaya umaasa siyang susundin ni Soberano ang advice dahil ito lang aniya ang makakapagdesisyon para sa kanyang sarili kung ano ang mabuti para sa Diyos, sa bansa at sa mga Pilipino.

Si Aglipay ay kasalukuyang chairman ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. at balae ni Senadora Cynthia Villar. (IS)

The post Balae ni Villar urot kay Liza first appeared on Abante Tonite.



Iginiit ng isang kongresista sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang kasunduan ng ABS-CBN at ZOE Broadcasting Network para sa pagpapalabas ng mga programa ng Kapamilya network.

Pag-aari ng mga Lopez ang ABS-CBN samantalang kay CIBAC party-list Rep. Eduardo `Bro. Eddie’ Villanueva naman ang ZOE Broadcasting Network.

Sabi ng bagong minority leader sa Kamara na si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, dapat imbestigahan ng NTC at BIR ang blocktime agreement ng dalawang network dahil sa posibleng legal at tax issue matapos na bumalik sa free tv ang mga programa ng Dos.

Matatandaang binasura ng Kamara ang aplikasyon para sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN kung kaya’t nagsara ang operasyon nito.

“There is a legal issue about it. Let’s just see what will happen there,” sabi ni Paduana sa isang virtual press conference noong Miyerkoles.

Sa pagkakaintindi umano niya, kung non-commercial ang isang istasyon, katulad ng ZOE na hawak ng religious group, ay exempted ito sa buwis. Subalit kapag commercial network aniya ay kailangang magbayad ng buwis.

“A cursory reading of the Zoe franchise, as amended, suggests that all broadcast operations of Zoe are now tax-exempt. Is it right for Zoe to continue enjoying it considering na may blocktime deal with ABS-CBN?” tanong ng mambabatas.

Pinupunto ni Paduana na pumasok sa blocktime agreement ang ZOE Broadcasting kung kaya’t kikita na rin ito.

“`Yon ang issue ko doon sa ABS-CBN eh. `Yong ABS-CBN, the profit of ABS-CBN goes to Big Dipper. Dahil `di ba dahil accredited ng PEZA. So it’s tax evasion, you’re evading your tax. So may issue talaga diyan pag ganiyan you have to pay their taxes but of course its up to, if somebody will file a case against ZOE with regards to tax, let’s leave that to the court. Tingnan natin kung ano. But of course the BIR should check on it and NTC, kasi `di ba dapat `pag commercial ka `di ba you have to pay your taxes.

The post Bro Eddie-ZOE TV kakalkalin tax first appeared on Abante Tonite.



The Ultimate List of Books That Will Make You Smarter

  The Ultimate List of Books That Will Make You Smarter By  Emma Cubellis • February 14, 2019 • 14 min read We love learning from books. The...

PinoyKawayan Team 2018. Powered by Blogger.