
Patay ang isang 76-anyos na ginang sa isang tama ng bala sa ulo mula sa pamamaril ng 80-anyos nitong mister nang mapagkamalan itong magnanakaw Biyernes ng gabi sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Sadyang hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek at biktima na kapwa taga-Barangay Orong.
Sa ulat ng Kabankalan City Police Station, alas-11:00 ng gabi, nasa kasarapan ng tulog ang mister nang mabulabog ito sa mga kahol ng aso. Kinapa niya ang kanyang misis subalit wala ito sa tabi kaya agad siyang bumangon.
Nakarinig ang mister ng mga kaluskos at dahil sa madilim ang kapaligiran ay hindi niya naaninag ang kabiyak na inakala niyang pinasok sila ng magnanakaw kaya pinutukan niya ito.
Nang buksan ang ilaw ay nagulat ito nang mabungarang duguan ang napuruhan niyang misis. (Edwin Balasa)
The post Akala Akyat-Bahay, misis dedo sa mister first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment