PALIBHASA’Y matanda na si Manang, napaibabawan muli siya ni Brenda at hindi na binitawan ang leeg nito at sinakal pa nang todo. Nagpipiglas si Manang at gustong makawala pero napakahigpit nang pagkakahawak ni Brenda. “Papatayin kita!’’
NAKAPASOK na ang tao sa kuwarto ni Manang. Dahan-dahan itong lumapit kay Manang na noon ay nakikipag-usap kay Sir Nath sa cell phone. Nagulat si Sir Nath sa biglang pagtawag ni Manang.
GALIT na galit si Brenda nang malaman na tatakutin pala siya ni Manang kaya naglagay ng ‘‘plastik na ahas’’ sa swimming pool. Gusto na nitong sugurin ang matanda pero pinigilan ni Alexis.
GIGIL na gigil si Manang nang makita ang pagpasok nina Brenda at Alexis sa master’s bedroom. Magsasalo na naman sa kasalanan ang dalawa. Sa mismong kuwarto pa ni Sir Nath ginagawa ang kasalanan. Mga hayop! Mga salaula!
NANG makalabas sa gate si Sir Nath, mabilis na tinungo ni Alexis si Brenda. Sabik na sabik siya kay Brenda na ilang linggo rin niyang hinintay dahil hindi umaalis si Sir Nath.
“PILYA ka talaga Babe! Kaya pala bigla mo akong tinawag e para ipakita ang maganda mong wankata! Alam ko na naman na maganda ka at super sa romansa! Iba ka talaga, Babe!” sabi ni Nath makaraang sisirin ng halik si Brenda.
“HUWAG kang maniniwala sa mga sasabihin sa iyo ni Nath, Alexis. Kunwari ay pagbabakasyunin ka pero ang totoo, sisipain ka na rito. Maniwala ka sa akin,” sabi ni Brenda na parang gigil na gigil.
“SIGE kung ayaw mong magbakasyon sa inyong probinsiya ay nasasaiyo ‘yan. Ang gusto ko lang ay makapag-relax ka Alexis dahil puro ka trabaho. Wala ka nang time para sa relaxation,” sabi ni Sir Nath.