
Inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na pulungin at higyan ng babala ang mga pedicab at tricycle driver kaugnay sa paniningil nang sobra sa pasahe partikular na ngayong may COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Moreno na nakatanggap siya nang napakaraming reklamo laban sa mga pedicab at tricycle driver na sobrang tumaga sa pamasahe.
Sinabi ni Moreno na P20 lang ang pasahe at P5 dagdag sa kada kalahating kilometro ang dapat dagdag ng mga pasahero.
“What goes around, comes around. Matakot po tayo sa karma. Hindi po maganda na tayo ay nanlalamang ng ating kapwa, lalupa’t tayo ay nasa gitna ng pandemya,” ayon kay Moreno.
“Hindi po tayo tolongges o naging abusado noong tayo ay isang pedicab driver kaya naman ang pakiusap ko po sa mga drayber ay sundin ang itinakdang fare rate sa ating mga pedicab at tricycle,” hirit pa nito.
Sinabi ni Moreno na hindi niya kukunsintihin ang mga pang aabuso lalo na ngayon panahon ng pandemya. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Buwakaw na pedicab, tricycle driver binalaan ni Isko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment