
Iniimbitahan ng Pru Life UK ang lahat na lumahok at maging parte sa unang virtual version ng Prudential Life Ride London 2020 ngayong Sabado at Linggo, Agosto 15-16 (London time) bilang pagtulong ng kompanya sa lahat na maging malusog at malakas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Maari pang magpalista sa taunang cycling festival na para sa professional at recreational riders sa kanilang nais na salihang event sa www.myridelondon.co.uk kung saan may instructions sa pag-download sa My Prudential RideLondon app.
“Circumstances may be tough now, but that does not stop us from advocating cycling as a healthy and sustainable mode of transportation,” sabi nitong Biyernes ni Pru Life UK SVP at Chief Customer Marketing Officer ni Allan Tumbaga. (Lito Oredo)

Post a Comment