Halloween party ideas 2015
AliDropship is the best solution for drop shipping

NI:ALWIN IGNACIO

Papatulan nga kaya ni Catriona Gray ang chikang ang ex-boyfriend niyang si Clint Bondad, transwoman diumano ang karelasyon?

Dapat, kung totoo nga ang chika, deadma na lang ang 4th Pinay Ms. Universe. Kasi isang maliit na reakyson lang mula sa kanya tungkol dito, tiyak pangmalakasan ang magiging dating.

Oo, marami na ang tumatanggap na ang transwomen ay babae na talaga pero sa mas marami pa ring hindi enlightened, tiyak aroused ang curiosity.

Ano nga ba dapat maging damdamin at saloobin ng isang tunay na babae kapag kanyang napagtanto na ang kanyang lalaking minamahal dati, ang babaing iniirog sa kasalukuyan did not have a gender assignment as female nu’ng siya ay iniluwal sa mundong ibabaw?

Amused? Baffled? Confused? May kirot ba para sa isang babaing all natural na malaman na ang nakalipas mong di na maaring balikan, eh ang kayakap at kasama na ay babaing naging babae lamang dahil sa advancement ng agham at medisina?

Naglalaro kaya ang ganyang mga tanong sa kaibuturan ng isang tulad ni Catriona? Dahil ba she is in a happy relationship with Sam Milby, ang ganitong mga bagay-bagay, add the fact that she is preoccupied with many things, tunay na ma at pa ang kanyang reaksyon dito?

Sino kaya ang makakasagot sa tanong na ito? Ang tunay bang lalaki, na nagmahal sa isang alam niya ay dating lalaki, na ngayon ay babae na, totoo bang nagmamahal?

Knowing the fact that she was formerly a he, does that mean he is really sexually progressive at sa isip, puso at kaluluwa niya, talagang love knows no gender?

Kaya, ibigay na lang natin kay Catriona Gray ang respeto na huwag na uriratin pa ang kanyang damdamin patungkol rito. At respetuhin natin kung talaga ngang may nabuong pagmamahalan kay Clint at sa billionaire transwoman.

The post Catriona keber sa romansa ni Clint first appeared on Abante Tonite.



Post a Comment

The Ultimate List of Books That Will Make You Smarter

  The Ultimate List of Books That Will Make You Smarter By  Emma Cubellis • February 14, 2019 • 14 min read We love learning from books. The...

PinoyKawayan Team 2018. Powered by Blogger.