
Suspendido ng isang laro si Giannis Antetokounmpo dahil sa headbutting, minadali ng Memphis ang Milwaukee 119-106 at humabol ang Grizzlies sa play-in sa Western Conference playoffs Huwebes ng gabi sa Orlando bubble.
Pero hindi na kailangan ng Bucks ang panalo dahil selyado na nila ang top seeding sa East.
Nasa itaas ng Memphis ang Portland, magbubuno sa play-in ang Trail Blazers at Grizzlies para desisyunan ang No. 8 seed na haharap sa No. 1 Lakers sa first round ng NBA playoffs.
Win-once lang ang Portland bukas, kung makakasilat ang Memphis ay mapupuwersa ang winner-take-all sa Lunes (Manila time).
Sa likod ng 42 points ni Damian Lillard, tinakasan ng Blazers ang Brooklyn 134-133. Inupuan ng Portland ang No. 8, napagsarhan ang Phoenix Suns sa kabila ng 8-0 record sa bubble. Napauwi na rin ang Sacramento at San Antonio.
Pinangunahan ng 31 points ni Dillon Brooks ang Grizzlies, tumapos ng dambuhalang 26 points at 19 rebounds si Jonas Valanciunas. Pasabog ng triple-double na 12 points, 13 rebounds at 10 assists si rookie Ja Morant. (Vladi Eduarte)

Post a Comment