Mula pa nang magsimula ang buwan ng Hunyo ay tuloy-tuloy na naglunsad ng mga aktibidad at proyekto ang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado-Revilla. Ang mga programang tulad ng mga medical and dental mission, bag and school supply distribution, feeding program, financial aid to the elderlies, libreng gupit, libreng salamin at pustiso sa mga matatanda, job fair at marami pang iba. Ang mga programang ito ay direktang inilulunsad sa mga barangay sa Bacoor upang mailapit mismo ang serbisyo sa mga Bacooreño. Ang mga ito ay tinawag na Alagang Ate Lani Caravan at bahagi ito ng ika-6 na anibersaryo ng pagiging siyudad ng Bacoor.
The post Lungsod ng Bacoor magdiriwang ng ika-6 na anibersaryo bilang siyudad appeared first on Abante Tonite.
Post a Comment